Larong kalye
1.
Chinese garter -
may pag nguso pa ang pagtalon sa pinagdugtong dugtong na goma at isusungkit ang hinlalaki ng paa para lang maabot ang lampas ulo.
2.
10 – 20 – naalala nyo ba ang kanta? Habang
sumasayaw ng parang tinikling, meron pang 10 apple na variation nito..
3.
Tumbang preso – pudpod na ang swelas ng tsinelas
mo, kakabato at kakasargo sa latang pinukpok at tinupi sa magkabilang gilid. Pero kapag may alpombra ka, EDI WOW!!! Uso din dito ang Rambo na brand ng sinelas na graduate ka na, hindi pa din upod.
4.
Free-ki-dom 1-2-3 – Kaylangan mala sawa/palos ka
para makaiwas sa hablot ng mga kalaban upang mailigtas ang kakamping nabihag
nila. Lugi ang babae, dahil ang mga lalaki pwede maghubad.
5.
Taguang pung – pera sa likod, pera sa harap, pag
bilang kong tatlo nakatago na lahat.
6.
Sipa – gamit ang tinggang may wrapper ng
crispop.. pag marunong kang magblack magic, aba.. mahusay ka!!!
7.
Syato – dalawang kahoy lang solve na!!
8.
Saranggola – Guryon pala dahil gusto ko mas
maganda, Lalagyan pa ng bubog ng binasag na Fluorescent bulb ang pisi para sure na putol ang pisi ng kalaban.
9.
Luksong baka – Marami nang naaksidente pero
gustong gusto pa din..
Luksong tinik – para hindi nakaka aksidente
tulad ng luksong baka.
11.
Patintero – kaylangan mahusay kang magtiming at
listo kasi may patotot sa gitna.
Mga Palabas.
1.
Sarah ang munting prinsesa – ang tagal nyang
nagpakahirap, eh nasa kabilang bintana lang ang kasagutan sa lahat.
2.
Cedie – nasa utak ko pa din ang tunog ng plauta
ni Cedie at pag kumain ako ng isda, literal ko pa ring kinakagat ang tinidor at
hinihila, kapag kaylangan ko ng moment para maiyak, iniisip ko si Cedie na
hinahabol ang kanyang ina palayo sakay ng kalesa. ( akala ko talaga
magkakatuluyan sila ni Sarah.. tsk tsk)
3. Tom
Sawyer – “humayo ka kaibigang tom sawyer,
maglakbak kung saan mo man naiisin”. Or “ang
bahay ni huck ginagawa, ginagawa, ginagawa ang bahay ni huck ginagawa, magagawa
na din.” Meron din Huckleberry fin. Pero mas maganda talaga story line
nito, at mas pasaway talaga si Tom at bad influence kay Huck na sa kalye
lumaki.
4. Mga
munting pangarap ni Romeo.. – Alfred, oh Alfred at ang itim na magkakapatid.… dapat kasi inampon na sila nung propesor, una
pa lang. (Kami ang itim na magkakapatid,
laging masaya at magkakasama, kahit, mahihirap lang, mararangal naman… tayo ay
humayo sa mundo ng taas noo………)
Marami pang iba katulad ni Patras,
Nelo, etc pero ito ang tumatak sa puso ko.
Hindi rin magpapatalo ang Dragon
ball Z, pero kasi hanggang ngayon meron pa din. Pero na aalala nyo pa ba ang Mightor at Mobby dick? Sa channel 9?
Laruan
1.
Turumpo – pag mahina ka, may bengkong ka.
2.
Text – taya na lahat sama pati pamanggulo.
(sabay bilang ng tag dadalawa.. i-sa, dala-wa, tat-lo, a-pat, cha. Equals 9)
3.
Pog – Sa tamang hampas at anggulo, taob ang kalaban mo!
4.
Jolen – pahusayang sumargo.. best played sa
lupa. Gawa ka ng kanal at trap para hindi masargo ang pato mo.. Marble (white
jolen) katumbas ng sampung clear, pag may ibang kulay ka, alamat ka na.. di
nila alam, per kilo lang nabibili sa divisoria.
.
5.
TAMAGOCHI – isang needy na electronic device
pero kinababaliwan ng mga teenager noon…